Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL)
  • Home
  • Statements
  • Campaigns
  • Images
  • Resources
  • About
  • Peasant Struggle in Hacienda Luisita

Planong paglipol ng mga pribadong korporasyon at gubyerno sa komunidad ng Hacienda Dolores, nararanasan na

11/3/2013

0 Comments

 
Picture
Sa pangunguna ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luson at Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan sa Hacienda Dolores (Aniban) kasama ang Karapatan – Central Luzon, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list nailunsad ang National Fact-Finding and Solidarity Mission (NFFSM) sa Hacienda Dolores, bayan ng Porac noong Oktubre 30 hanggang 31. Ang aktibidad ay ukol sa napabalitang pagpapalayas at pangangamkam ng lupa sa mga magsasaka at mamamayan ng Hacienda Dolores ng LLL Holdings Inc. (LHI), FL Property Management Corporation at Ayala Land Inc. Ito ay aktibong sinamahan ng ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP), Socio-Pastoral Apostolate ng Holy Family Academy at St. Scholastica Academy - Manila, Central Luzon Ayta Association (CLAA), Aguman Dareng Maglalautang Capampangan (AMC), Ambala – Hacienda Luisita, Karapatan-National, Sinagbayan, Bulatlat, mga miyembro ng Anakbayan, Bayan Muna-Pampanga, PDIARS at iba pa.

“Kalunus-lunos at hindi makaturangan ang nararanasang kalagayan ngayon ng mga magsasaka at mamamayan ng Hacienda Dolores, Porac, Pampanga mula sa kamay ng LHI, FL Corporation at Ayala Land. Ang bawat bata, babae, magsasaka at matatanda na nakausap ng NFFSM team ay may kanya-kanyang kwento ng poot at pighati dahil sa nararanasang kagutuman at kahirapan,” ayon kay Joseph Canlas, Tagapangulo ng AMGL.

“Karumal-dumal na kasalanan ng LHI at FL Corp. sa mga magsasaka at mamamayan ng Hacienda Dolores ang pagpigil sa kanilang makapasok upang trabahuhin ang kanilang mga sakahan mula pa noong 2011 hanggang sa kasalukuyan. Kaugnay nito, dumarami din ang kaso ng pagsira at pag-bulldoze sa kanilang mga pananim at iba pang kagamitan, pagnakaw ng kanilang mga alagang hayop, paggiba ng kanilang mga bahay, paglalagay ng checkpoint papasok sa kanilang sakahan, sapilitang pagpapapirma sa waiver,  iba’t ibang tipo ng harassment, at pagsasampa ng gawa-gawang kaso, iligal na pag-aresto at pagkulong sa mga magsasaka,’’ dagdag ni Canlas.

Ayon sa inisyal na datos na nakalap ng NFFSM team, may 26 kaso ng destruction and divestment of properties at apektado nito ang 21 magsasaka at 5 kababaihang magsasaka; 1 kaso ng illegal mass arrest at detention na biktima nito ang 12 magsasaka noong Nobyembre 4, 2011; 1 kaso ng illegal arrest and detention noong Hulyo 28, 2013; 2 magkakahiwalay na kaso ng harassment, threat and intimidation at sapilitang pagpapairma ng waiver sa isang magsasaka na kusang aalis sa kanyang sakahan; at pagrerekluta sa mga taga-baryo at mga katutubong Ayta para maging goons at security guards.

Ayon kay Ruben Zalta, 79 taong gulang, isa sa pinakamatanda sa baryo at nagmamay-ari ng 1.5 ekt. palayan, 7 ekt. lupain saklaw ang gulayan at 20 puno ng mangga, 15 niyog, 2 ekt. puno ng bayabas, siya mismo ay nakaranas ng pananakot sa kamay ng mga goons ng mga pribadong korporasyon para papirmahin sa isang waiver. Banggit niya, noong Agosto 24 ng taon katanghalian, biglang dumating ang 20 di kilalang kalalakihang naka-bonnet at naka-jacket at bigla silang pinalibutan ng kanyang asawa na si Teresita Zalta, 81 taong gulang at sinabihang “papatayin kita kapag hindi ka pumirma sa waiver’’. Dahil sa sobrang takot,  nanginginig si Zalta habang pumipirma sa waiver habang kaharap niya ang isang lalaki na nakapasok ang kanang kamay sa jacket na diumano’y may hinahawakan. Pagkatapos nito, kaagad na pina-blotter ng matanda ang insidente sa barangay hall ngunit pinapunta lamang siya sa munisipyo ng Porac, pagdating doon ay pinabalik siya sa barangay hall. Dismayado ang matanda dahil sinabihan siya ng kapitan ng barangay na si Nestor Tolentino, na manugang niya, ”wala na tayong magagawa, dahil nasa korte na’’. Sa kasalukuyan, ayon kay Zalta, ginawang security post ang kanyang bahay ng ilang security guards. Dagdag pa nito, nawawala ang kanyang alagang manok at pato.

Kaugnay nito, ilan lamang sina Rossana Colobong, Mercedita Angeles, Filipina Franco, Iluminada Ignacio, Rowena Santiago, Josephine de Jesus at Virginia Ayson sa mga kababaihang magsasaka, sakadora, tindera, maybahay at residente ng Hacienda Dolores na nakakaranas ng kahirapan at kagutuman sa baryo. Mula sa pagkalugi nila sa kanilang mga pananim na dapat sana’y maaani na sa panahong ito na ngayong  pinapakinabangan ng mga goons at security guards, nagkaroon din ng malaking epekto sa pamilya mula sa pang-araw-araw na gastusin, pangkain ng pamilya at pampaaral sa mga anak. Ang ilan sa kanila ay naging labandera  at nakikigapas na lamang sa kasalukuyan.

Ayon sa isang kababaihang magsasaka, bago dumating ang mga pribadong korporasyon, may 10-15 tonelada ng bayabas ang kanilang naaani araw-araw at dinadala ito sa Pampang Market, Angeles City, sa isang pabrika ng guava jam sa Bulacan at ilang bahagi ng NCR. Halimbawa na lang sa 1 ekt.lupain na may 100 puno ng bayabas, kumikita sila ng P3,000- P7,500 kada linggo mula sa P10.00- 25.00 kada kilo ng bayabas. Kaya, mula Mayo hanggang Oktubre 2013 halagang P180,000 ang mawawala sa magsasaka.

Dagdag pa, ramdam din ang epekto ng pangangamkam at pagpapalayas sa hanay ng kabataan sa Hacienda Dolores.  Isa si Merry Jane G. Franco, 18 taong gulang, ang hindi na nakapag-kolehiyo na dapat sana pagka-gradweyt ay makakatulong sa pamilya. Masakit ang loob ni Franco dahil nasaksihan niya mismo kung paano sila hinarangan ng mga security guards papunta sa kanilang sakahan gayundin paggiba sa kanilang bahay, pagkawala ng kanilang mga hayop at pagkasira ng kanilang mga tanim.

Ang Hacienda Dolores ay binubuo ng mahigit 2,099 ektaryang lupain na sa kasalukuya’y kinukuha ng LLL- Leonardo Lachenal Leonio Holdings, Inc (LHI) at FL Property Management Corporationang mahigit 700 ekt para bigyang daan ang konstruksyon ng 1,000 ekt. ‘Nuvali’ residential area ng Ayala Land Inc sa lugar kagaya sa Sta. Rosa, Laguna. Kung kaya’t, nanganganib ang karapatan sa lupa at kabuhayan ng 350 magsasaka at kanilang pamilya at humigit-kumulang 1,000 pamilya ng Hacienda Dolores.

“Ang kaso ng Hacienda Dolores ay matibay na ebidensya ng kahungkagan ng nakaraan at kasalukuyang programa sa reporma sa lupa.  Ang mga nininuo ng mga magsasaka ay nagsaka na mula pa noong kolonyalismong Kastila, bago maitatag ang anumang gubyern o saligang batas ng bansa.  Ngunit ngayon, sila ay pinapalayas at ang kanilang kabuhayan ay inaagaw,” sabi ni Canlas.

Ayon sa mga magsasaka ng Hacienda Dolores, taong 1835 pa nagsimulang magsasaka ang kanilang mga ninuno sa lupa sa isang komunidad ng 20 pamilya.  Ang lupa ay inangkin ni Gregorio Macapinlac noong huling bahagi ng ika-19 na siglo at mula 1916 hanggang 1975 ay inangkin ng pamilyang Champourcin.  Sa diktaduryang Marcos, bahagi ng hasyenda ay inangkin ng pamilyang Puyat at noong 1999 ng pamilyang Dayrit.  Noong 2005 nagsimulang mang-angkin ng lupa at magpalayas ng magsasaka ang LHI at noong 2007 ang FL Corp.

“Malinaw na walang batas o programa ang nagsilbi sa mga magsasaka ng Hacienda Dolores.  Mula Land Reform Act ni Magsaysay noong 1955 hanggang Comprehensive Agrarian Reform Program with “Reforms” o CARPer, hindi pa rin nasisiguro ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupa,” dagdag ni Canlas.
 
“Walang ibang panawagan ang mga magsasaka at residente ng Hacienda Dolores kundi maibalik sa kanilang ang kanilang sakahan, kagyat na panagutin at pagbayarin ang mga pribadong korporasyon kasama ang kanilang goons at security guards dahil sa patuloy na harassment, pagbabawal na makapasok sa kanilang sakahan, paggiba ng bahay, pagsira ng tanim, pagnakaw ng mga hayop at pagsampa ng gawa-gawang’’, banggit ni Canlas.

“Sa kasalukuyan, nananawagan ng suporta ang mga magsakaka at residente ng Hacienda Dolores na sila ay suportahan sa kanilang laban. Malinaw na walang karapatan sa lupa ang mga pribadong korporasyon sapagkat bago pa man dumating ang mga kastila sa lugar ay may mahigit 20 pamilyang magsasaka na ang naninirahan dito.”

“Ibig sabihin lamang, hindi kinikilala ng lokal na pamahalaan ang karapatan sa lupa ng mga magsasaka at mamamayan sa Hacienda Dolores dahil sa nakapakete ito sa kasalukuyang programa ng rehimeng Aquino na Private Public Partnership program (PPP) na tanging mga lokal at dayuhang korporasyon lamang ang makikinabang sa mga lupaing unang binungkal at dinebelop ng ating mga magsasaka hindi lamang sa Hacienda Dolores kundi sa buong bansa,’’ pagtatapos ni Canlas. #




0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    AMGL

    To struggle for Genuine Land Reform in Central Luzon and other regions of the country.

    Archives

    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    December 2013
    November 2013
    October 2013
    September 2013
    July 2013
    June 2013
    May 2013
    April 2013
    March 2013
    February 2013
    January 2013
    November 2012
    October 2012
    August 2012
    July 2012
    June 2012
    May 2012
    April 2012
    March 2012
    February 2012
    January 2012
    November 2011
    October 2011
    August 2011
    July 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011

    Categories

    All
    Agap Zambales
    Agap-zambales
    Agrarian Reform
    Agriculture
    Alabamas
    Alabamas Dam
    Almana 3100
    Amado Espino
    Ambala
    Amgl
    Amgl Ne
    Amgl-ne
    Amt
    Anakpawis
    Angara
    Angat Dam
    Aniban
    Apeco
    Aseza
    Aurora
    Ayala
    Ayta
    Balikatan
    Balingcanaway
    Balog Balog Dam
    Balog-balog Dam
    Bayambang
    Benguetcorp
    Bot
    Bungkalan
    Calen
    California Energy
    Caltex
    Camp Gregg
    Cancellation Of Cloa
    Carp
    Carper
    Casiguran
    Cat
    Central Azucarera De Tarlac
    Central Luzon
    Chief Justice
    Claa
    Clark International Airport Corp.
    Clex
    Cloa
    Clrdp
    Clt
    Coco Levy
    Cojuangco Aquino
    Cojuangco-Aquino
    Cojuangco-aquino
    Cojuangco Aquinos
    Cojuangcoaquinos6288a28430
    Cojuangcos
    Corruption
    Danding Cojuangco
    Dar
    Dionisio Manuel
    Dislocation
    Displacement
    Displacements
    Dmci
    Dswd
    Ecozones
    Edc
    Energy Development Corporation
    Environment
    Ep
    Extra Judicial Killings
    Extrajudicial Killings0e27260734
    Farmers
    Farmworkers
    Fertilizer Scam
    Feudalism
    Fisherfolk
    Fmmr
    Food Security
    Foreclosure
    Fort Magsaysay Military Reservation
    Gabriel Singson Jr9507b1ead5
    Garb
    Genuine Land Reform
    Gloria Macapagal Arroyo
    Gloria Macapagal-arroyo
    Gma
    Gmo
    Golden Rice
    Guimba
    Hacienda Dolores
    Hacienda Luisita
    Hacienda Luisita Massacre
    Harassment
    Human Rights
    Human Rights Violation
    Human Rights Violations
    Imperialism
    Indigenous People
    Irri
    Ism 2013
    Jica
    Joc Joc Bolante
    Joc-joc Bolante
    Kmp
    Landgrabbing
    Land Reform
    Land Use Conversion
    La Paz
    Liberalization Of Agriculture
    Luc
    Mambayu
    Manuel Lorenzo
    Marilou Abrilles
    Maro
    Martin Lorenzo
    Medium Term Development Plan
    Medium-term Development Plan
    Merceditas Gutierrez
    Militarization
    Mining
    Mining Act
    Mining. Mining Act 0f 1995
    Mlub
    Move Now!
    Mt.abo
    Nia
    Nlex
    Nlex East
    Nolcom
    Noynoy Aquino
    Nueva Ecija
    Oil
    Oil Deregulation
    Oil Deregulation Law
    Oil Price Hike
    Ombudsman
    Oph
    Oplan Bantay Laya
    Oplan Bayanihan
    Palay
    Palparan
    Pamana
    Pampanga
    Pangasinan
    Pantabangan
    Pantabangan Dam
    Paro
    Pep
    Peping Cojuangco
    Petron
    Philrice
    Porac
    Ppp
    Press Freedom
    Privatization
    Public Private Partnership
    Public-private Partnership
    Rcbc
    Referendum
    Relief
    Renato Corona
    Republic Act 10083
    Republic Act 6657
    Republic Act 9490
    Republic Act 9700
    Rice
    Rice Farmers
    Rice Industry
    Sctex
    Sdo
    Sdp
    Shell
    Sona
    Sona 2011
    St. Tropez
    Supreme Court
    Syngenta
    Tarlac
    Teddy Casino
    Tplex
    Typhoon Pedring
    Ulwu
    Us Imperialism
    Vfa
    Visiting Forces Agreement
    W Corridor
    W-corridor
    Willem Geertman
    Wto
    Zambales

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.