Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL)
  • Home
  • Statements
  • Campaigns
  • Images
  • Resources
  • About
  • Peasant Struggle in Hacienda Luisita

Planong Hacienda Luisita eco-zone, nilabanan

1/5/2014

0 Comments

 
PicturePhoto by Ambala/ 01062013

Ang pang-rehiyunal na grupong Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (Amgl) at Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) ay mariing kinundena ang pang-aagaw ng lupa, pagpapalayas at walang humpay na harasment sa mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita ng pamilyang Cojuangco-Aquino, sa pamamagitan ng kumpanya nitong Tarlac Dev’t. Corp. (Tadeco), partikular sa brgy. Balete at Cutcut sa Tarlac city.  Ayon sa mga grupo, mula pa Setyembre ng nakaraang taon nagsimula ang pang-aagaw ng lupa ng Tadeco hanggang nakaraang Disyembre, na nagbunga ng paglabag sa karapatang pantao ng mga mahihirap na manggagawang bukid.  Dagdag pa, nanindigan ang mga grupo na ang planong ito ay akma sa programang W-Growth Corridor at Public-Private Partnership (PPP) ng gubyernong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino (BS Aquino).

Ngayong araw, nagprotesta ang mga manggagawang bukid sa pamamagitan ng paglalagay ng mga scarecrow (panakot sa ibon) sa mga lupang inagaw ng Tadeco sa brgy. Cutcut kasunod ng paglulunsad ng press conference ng mga grupo.  Ang aksyong ito ay simbolo ng pagtutol sa mga hakbang ng pamilyang Cojuangco-Aquino at paninindigan ng paglaban ng mga manggagawang bukid sa pamumuno ng Ambala.

“Si BS Aquino at kanyang pamilyang Cojuangco-Aquino ay nagkukumahog palayasin ang mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita. Ang planong kumbersyon ay matagal nang pinapangarap ng pamilyang ito para magkamal ng limpak-limpak na kita mula sa lokal at dayuhang mamumuhunan. Kailanma’y hindi makukuntento ang pamilyang ito, kahit na ilang dekada nilang pinagsamantalahan ang lakas-paggawa ng mga manggagawang bukid at pinagkakitaan ang asyenda,” ayon kay Joseph Canlas, Tagapangulo ng Amgl.

Ayon sa Ambala at Amgl, ang pagkumbert sa Hacienda Luisita bilang isang regional economic zone ay nakapakete sa W-Growth Corridor ng PPP ni Aquino. Dugtungan ito malawakang kumbersyon at pagpapalayas sa libu-libong magsasaka sa ibang probinsya para bigyang daan ang mga makaisang panig na proyekto. Ang kanlurang bahagi ng Gitnang Luson ay target na idebelop bilang “tourism corridor” na sumasaklaw sa Sta. Cruz - Masinloc, Zambales patungong Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ang gitnang bahagi ng rehiyon na sumasakop sa mga probinsya ng Tarlac, Pampanga at Bulacan ay idedebelop bilang “industrial heartland”. Ibinabandera naman bilang “agricultural areas at agro-forestry” ang ilang bahagi ng probinsya ng Bulacan at buong Nueva Ecija. Ang bahagi naman ng Zambales patungong Aurora  bilang ear part  ng W Growth Corridor ay kumbinasyon ng eko-turismo at para daw sa “agricultural development”.

“Sa kasalukuyan, galit at dismayado ang manggagawang bukid sa gubyernong BS Aquino. Kasunod ng mala-peryang pamamahagi ng cetificate of land ownership award (cloa), isinunod ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang pag-angkin sa 104 ektaryang sakahan at gulayan sa brgy. Cutcut at 268 ekt. lupain sa brgy. Balete. Taong 2005 pa sinimulang pakinabangan ng mahigit 150 manggagawang bukid at kanilang pamilya ang lupaing ito bunga ng kampanyang bungkalan ng Ambala,” dagdag ni Canlas.

Ayon sa Ambala, mahigit 100 ekt.palayan at gulayan  sa brgy. Balete ang sinira ng Tadeco sa pamamagitan ng bulldozer noong Disyembre 12 at 21 ng nakaraang taon. Kinasuhan ang 26 manggagawang bukid ng unlawful detainer at iligal na inaresto ang 5  manggagawang bukid na humarang sa pagsira at nagtanggol sa mga pananim na kanilang kabuhayan. Kaugnay nito, pinadalhan ang mga manggagawang bukid ng notice para kagyat na umalis sa kanilang lupain sa loob ng 15 araw. Ang kaganapang ito ay hindi kaiba sa brgy. Cutcut, kung saan, apektado ang 104 manggagawang bukid at kanilang pamilya na aktwal na nagbubungkal sa inaangking lupain ng TADECO.

Ayon kay Florida Sibayan, Tagapangulo ng Ambala, “wala kaming ibang hangarin kundi mabuhay ng mapayapa at tahimik sa asyenda. Sa ngayon, dahil binabantayan ng security guards at mga elemento ng Tarlac City at provincial police ang aming sakahan, kinikitil nila ang aming akses at karapatang bungkalin ang mga ito nang may makain ang aming mga pamilya.”

“Malinaw sa amin na ang inaangkin na lupain ng Tadeco ay dapat ipamahagi sa mga magsasaka dahil bahagi ito ng desisyon ng korte suprema noong Abril 2013, samantalang wala silang maipakitang anumang dokumento o court order bilang batayan sa kanilang pag-bulldozer at pagbakod kung kaya ito ay tuwirang iligal,” dagdag ni Sibayan.

Sa nakuha ng Ambala na Land Use Plan ng Hacienda Luisita noong 1993 na dinisensyo ng pribadong kumpanya,  pawang kumbersyon tungong komersyal, industriyal at residensyal na proyekto ang plano sa libu-libong ektaryang lupa.  Buburahin nito sa mapa ng hasyenda ang kabukiran at ang mga planong residensyal ay hindi naman para sa kapakinabangan ng mga manggagawang bukid.  Nakapaloob dito ang techno park, commercial business district, golf course at eko-turistang erya.  Samakatuwid, isinusulong lamang ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang interes nito upang kumita sa malawak na lupa at malinaw na plano nitong palayasin ang mga manggagawang bukid at mamamayan ng Hacienda Luisita.

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy ang paglaban ng Ambala sa panlilinlang, pang-aagaw ng lupa at pagpapalayas ng Tadeco at pamilyang Cojuangco-Aquino.  Nanindigan itong maglulunsad ng malalaking protesta kasama ang iba pang mga samahan at organisasyon ng probinsya at rehiyon.

“Walang nagbago sa aktitud ng pamilyang Cojuangco-Aquino, bagkus sinamantala lamang nito ang pagkapangulo ni BS Aquino, ginamit ang makinarya at pwersa ng gubyerno.  Ito ay lantarang ka-trayduran sa bayan at kabulukan sa lipunang dapat nang wasakin ng mamamayan.  Alam ng buong bansa ang kainutilan ni Aquino at pagpabor sa malalaking lokal at dayuhang negosyante, panginoong maylupa at pagpapakatuta sa imperyalismong US.  Hindi na dapat tiisin ng mamamayan ng rehiyon ang susunod na tatlong taong panguluhan ni BS Aquino, bagkus, simulan na ang malawakang paninindigan at panawagang palitan siya,” pagtatapos ni Canlas.  #

Picture
0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    AMGL

    To struggle for Genuine Land Reform in Central Luzon and other regions of the country.

    Archives

    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    December 2013
    November 2013
    October 2013
    September 2013
    July 2013
    June 2013
    May 2013
    April 2013
    March 2013
    February 2013
    January 2013
    November 2012
    October 2012
    August 2012
    July 2012
    June 2012
    May 2012
    April 2012
    March 2012
    February 2012
    January 2012
    November 2011
    October 2011
    August 2011
    July 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011

    Categories

    All
    Agap Zambales
    Agap-zambales
    Agrarian Reform
    Agriculture
    Alabamas
    Alabamas Dam
    Almana 3100
    Amado Espino
    Ambala
    Amgl
    Amgl Ne
    Amgl-ne
    Amt
    Anakpawis
    Angara
    Angat Dam
    Aniban
    Apeco
    Aseza
    Aurora
    Ayala
    Ayta
    Balikatan
    Balingcanaway
    Balog Balog Dam
    Balog-balog Dam
    Bayambang
    Benguetcorp
    Bot
    Bungkalan
    Calen
    California Energy
    Caltex
    Camp Gregg
    Cancellation Of Cloa
    Carp
    Carper
    Casiguran
    Cat
    Central Azucarera De Tarlac
    Central Luzon
    Chief Justice
    Claa
    Clark International Airport Corp.
    Clex
    Cloa
    Clrdp
    Clt
    Coco Levy
    Cojuangco Aquino
    Cojuangco-Aquino
    Cojuangco-aquino
    Cojuangco Aquinos
    Cojuangcoaquinos6288a28430
    Cojuangcos
    Corruption
    Danding Cojuangco
    Dar
    Dionisio Manuel
    Dislocation
    Displacement
    Displacements
    Dmci
    Dswd
    Ecozones
    Edc
    Energy Development Corporation
    Environment
    Ep
    Extra Judicial Killings
    Extrajudicial Killings0e27260734
    Farmers
    Farmworkers
    Fertilizer Scam
    Feudalism
    Fisherfolk
    Fmmr
    Food Security
    Foreclosure
    Fort Magsaysay Military Reservation
    Gabriel Singson Jr9507b1ead5
    Garb
    Genuine Land Reform
    Gloria Macapagal Arroyo
    Gloria Macapagal-arroyo
    Gma
    Gmo
    Golden Rice
    Guimba
    Hacienda Dolores
    Hacienda Luisita
    Hacienda Luisita Massacre
    Harassment
    Human Rights
    Human Rights Violation
    Human Rights Violations
    Imperialism
    Indigenous People
    Irri
    Ism 2013
    Jica
    Joc Joc Bolante
    Joc-joc Bolante
    Kmp
    Landgrabbing
    Land Reform
    Land Use Conversion
    La Paz
    Liberalization Of Agriculture
    Luc
    Mambayu
    Manuel Lorenzo
    Marilou Abrilles
    Maro
    Martin Lorenzo
    Medium Term Development Plan
    Medium-term Development Plan
    Merceditas Gutierrez
    Militarization
    Mining
    Mining Act
    Mining. Mining Act 0f 1995
    Mlub
    Move Now!
    Mt.abo
    Nia
    Nlex
    Nlex East
    Nolcom
    Noynoy Aquino
    Nueva Ecija
    Oil
    Oil Deregulation
    Oil Deregulation Law
    Oil Price Hike
    Ombudsman
    Oph
    Oplan Bantay Laya
    Oplan Bayanihan
    Palay
    Palparan
    Pamana
    Pampanga
    Pangasinan
    Pantabangan
    Pantabangan Dam
    Paro
    Pep
    Peping Cojuangco
    Petron
    Philrice
    Porac
    Ppp
    Press Freedom
    Privatization
    Public Private Partnership
    Public-private Partnership
    Rcbc
    Referendum
    Relief
    Renato Corona
    Republic Act 10083
    Republic Act 6657
    Republic Act 9490
    Republic Act 9700
    Rice
    Rice Farmers
    Rice Industry
    Sctex
    Sdo
    Sdp
    Shell
    Sona
    Sona 2011
    St. Tropez
    Supreme Court
    Syngenta
    Tarlac
    Teddy Casino
    Tplex
    Typhoon Pedring
    Ulwu
    Us Imperialism
    Vfa
    Visiting Forces Agreement
    W Corridor
    W-corridor
    Willem Geertman
    Wto
    Zambales

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.