Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL)
  • Home
  • Statements
  • Campaigns
  • Images
  • Resources
  • About
  • Peasant Struggle in Hacienda Luisita

Importasyon ng sibuyas sa Nueva Ecija, kinokondena ng mga magsasaka

2/17/2013

0 Comments

 
Picture
Ang Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson , AMGL - Nueva Ecija , Anakpawis Partylist-Gitnang  Luzon at Kumperensya ng Magsasaka ng Nueva Ecija (Kumperma - NE) ay mariing kinokondena ang pagbaha ng imported na sibuyas sa Nueva Ecija.  Ayon sa mga magsasaka, ito ay magreresulta ng napakababang presyo ng sibuyas at  pagkalugi, dagdag sa pasaning nararanasan sa kamay ng mga panginoong maylupa  at traders. Kaya,  nagkaisa ang mga magsasaka sa sibuyas na labanan ang importasyon gayundin panawagang maging P30 kada kilo ang presyo nito sa isang asembliya na ginanap noong Pebrero 12, 2012, sa bayan ng Bongabon.  Ito ay dinaluhan ng mahigit 100 magsasaka ng sibuyas at sinuportahan ng iba’t ibang organisasyon kasama ang local government unit (LGUs).

“Bumabaha ang batayan kung bakit kailangang magkaisa ang mga magsasaka sa sibuyas para labanan ang pagbaha ng imported na sibuyas sa Nueva Ecija. Partikular sa Guimba, napakababa ng presyo ng sibuyas: noong 2001 ay P5 kada kilo ang oversized na sibuyas at P6 ang good;  2004 -P8 at P9; 2007 ay P9 at P10 at 2010 ay P10 at 9. Ayon sa mga magsasaka, palaisipan sa kanila ang napakababang presyo na ito tuwing eleksyon,” ayon kay Aquilino Lopez, Tagapangulo ng AMGL-NE.

“Sa kabila ng napakahirap ng paghahanda, pagtatanim at pag-aalaga ng sibuyas, ang napakababang presyo nito’y naglulugmok sa mga magsasaka sa kahirapan at pagkalugi. Ibang usapin pa, ang samu’t saring porma ng panghuhuthot mula sa napakataas na usura at presyo ng buto at inputs sa kamay ng mga panginoong maylupa,” dagdag ni Lopez.

Ang pagbaha ng imported na sibuyas sa Nueva Ecija ay dulot ng pagbibigay ng Department of Agriculture ng “permit” sa mga importer. Ayon sa mga magsasaka, batay sa nakalap nilang impormasyon, may isang importer mula sa Sta. Rosa na nakapagpasok ng 50 container vans ng sibuyas noong Disyembre 3, 2012 at kasalukuyang nakaimbak sa isang storage warehouse. Kaugnay nito, may inaasahan pang importasyon ng sibuyas ngayong Pebrero at sa susunod na buwan.  Nabalitaan din ng mga magsasaka na kasalukuya’y may 179 importers na nabigyan ng permit ng DA.  Ayon pa sa mga magsasaka, malaki ang papel ng Free Port sa Dingalan, Aurora para sa pagpuslit ng mga imported na sibuyas. Ilan dito’y dinala sa storage warehouse sa Palayan City at iba pang lugar sa probinsya.

“Matagal nang panawagan ng mga magsasaka sa sibuyas sa Nueva Ecija at ilang bahagi ng rehiyon na itigil na ang pagbibigay ng “importation permit” at bumaklas na ang bansa sa patakarang liberalisasyon sa agrikultura sa ilalim ng World Trade Organization o WTO,” ayon kay Joseph Canlas, Tagapangulo ng AMGL at Coordinator ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luzon.

Sa kasalukuyan, sa pangunguna ng AMGL-NE at KumperMa-NE, ang mga magsasaka ay nagkakaisa para labanan ang pagbaha ng imported na sibuyas at maipataas sa P30 kada kilo ang sibuyas. Sila ay naglunsad ng mga talakayan,forum, dialogue, protesta at iba pang porma ng pagkilos para makahamig ng suporta mula sa mamamayan ng Nueva Ecija.

"Kaugnay nito,inihahapag ito ng mga magsasaka sa mga lokal na pulitiko bilang isa sa mga mayor na agenda sa kasalukuyang kampanyang Elektoral 2013,” banggit ni Lopez.

"Ang pagsasaka ng sibuyas ay isang halimbawa ng mala-pyudal na kaayusan ng ekonomiya, kung saan diktado ng mga monopolyong panginoong maylupa at negosyante ang merkado, puhunan at kagamitan,  ang mga presyo at daluyan ng produkto, hindi isinasaalang-alang ang halaga ng pagpapagod ng mga magsasaka, kung kaya't sila ay nababaon sa utang at sa kinalauna'y kawalan ng lupa.  Ang sistemang ito ang mismong pinapangalagaan ng mga nagdaan at maging kasalukuyang rehimeng Noynoy Aquino, dahil wala siyang isinulong na patakaran upang ito ay mabago, bagkus, pinalala pa niya sa lalong pag-liberalisa ng agrikultura o pagpapasok ng mga imported na produkto," ani Canlas.

Ipinanawagan ng AMGL at AMGL-NE ang pagbaklas ng bansa sa WTO, upang mapangalagaan ang lokal na produksyong agrikultural at ipawalambisa ang mga patakarang liberalisasyon sa agrikultura. #


0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    AMGL

    To struggle for Genuine Land Reform in Central Luzon and other regions of the country.

    Archives

    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    December 2013
    November 2013
    October 2013
    September 2013
    July 2013
    June 2013
    May 2013
    April 2013
    March 2013
    February 2013
    January 2013
    November 2012
    October 2012
    August 2012
    July 2012
    June 2012
    May 2012
    April 2012
    March 2012
    February 2012
    January 2012
    November 2011
    October 2011
    August 2011
    July 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011

    Categories

    All
    Agap Zambales
    Agap-zambales
    Agrarian Reform
    Agriculture
    Alabamas
    Alabamas Dam
    Almana 3100
    Amado Espino
    Ambala
    Amgl
    Amgl Ne
    Amgl-ne
    Amt
    Anakpawis
    Angara
    Angat Dam
    Aniban
    Apeco
    Aseza
    Aurora
    Ayala
    Ayta
    Balikatan
    Balingcanaway
    Balog Balog Dam
    Balog-balog Dam
    Bayambang
    Benguetcorp
    Bot
    Bungkalan
    Calen
    California Energy
    Caltex
    Camp Gregg
    Cancellation Of Cloa
    Carp
    Carper
    Casiguran
    Cat
    Central Azucarera De Tarlac
    Central Luzon
    Chief Justice
    Claa
    Clark International Airport Corp.
    Clex
    Cloa
    Clrdp
    Clt
    Coco Levy
    Cojuangco Aquino
    Cojuangco-Aquino
    Cojuangco-aquino
    Cojuangco Aquinos
    Cojuangcoaquinos6288a28430
    Cojuangcos
    Corruption
    Danding Cojuangco
    Dar
    Dionisio Manuel
    Dislocation
    Displacement
    Displacements
    Dmci
    Dswd
    Ecozones
    Edc
    Energy Development Corporation
    Environment
    Ep
    Extra Judicial Killings
    Extrajudicial Killings0e27260734
    Farmers
    Farmworkers
    Fertilizer Scam
    Feudalism
    Fisherfolk
    Fmmr
    Food Security
    Foreclosure
    Fort Magsaysay Military Reservation
    Gabriel Singson Jr9507b1ead5
    Garb
    Genuine Land Reform
    Gloria Macapagal Arroyo
    Gloria Macapagal-arroyo
    Gma
    Gmo
    Golden Rice
    Guimba
    Hacienda Dolores
    Hacienda Luisita
    Hacienda Luisita Massacre
    Harassment
    Human Rights
    Human Rights Violation
    Human Rights Violations
    Imperialism
    Indigenous People
    Irri
    Ism 2013
    Jica
    Joc Joc Bolante
    Joc-joc Bolante
    Kmp
    Landgrabbing
    Land Reform
    Land Use Conversion
    La Paz
    Liberalization Of Agriculture
    Luc
    Mambayu
    Manuel Lorenzo
    Marilou Abrilles
    Maro
    Martin Lorenzo
    Medium Term Development Plan
    Medium-term Development Plan
    Merceditas Gutierrez
    Militarization
    Mining
    Mining Act
    Mining. Mining Act 0f 1995
    Mlub
    Move Now!
    Mt.abo
    Nia
    Nlex
    Nlex East
    Nolcom
    Noynoy Aquino
    Nueva Ecija
    Oil
    Oil Deregulation
    Oil Deregulation Law
    Oil Price Hike
    Ombudsman
    Oph
    Oplan Bantay Laya
    Oplan Bayanihan
    Palay
    Palparan
    Pamana
    Pampanga
    Pangasinan
    Pantabangan
    Pantabangan Dam
    Paro
    Pep
    Peping Cojuangco
    Petron
    Philrice
    Porac
    Ppp
    Press Freedom
    Privatization
    Public Private Partnership
    Public-private Partnership
    Rcbc
    Referendum
    Relief
    Renato Corona
    Republic Act 10083
    Republic Act 6657
    Republic Act 9490
    Republic Act 9700
    Rice
    Rice Farmers
    Rice Industry
    Sctex
    Sdo
    Sdp
    Shell
    Sona
    Sona 2011
    St. Tropez
    Supreme Court
    Syngenta
    Tarlac
    Teddy Casino
    Tplex
    Typhoon Pedring
    Ulwu
    Us Imperialism
    Vfa
    Visiting Forces Agreement
    W Corridor
    W-corridor
    Willem Geertman
    Wto
    Zambales

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.