Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL)
  • Home
  • Statements
  • Campaigns
  • Images
  • Resources
  • About
  • Peasant Struggle in Hacienda Luisita

Milan-OFW Kapit Bisig: PAKIKIISA SA MGA MAGSASAKA AT KANILANG PAMILYA SA PAMUMUNO NG AMBALA AT AMGL SA PAGGIGIIT AT PAGTATAGUYOD NG KANILANG KARAPATAN SA LUPA

3/18/2012

1 Comment

 
PAKIKIISA SA MGA MAGSASAKA AT KANILANG PAMILYA SA PAMUMUNO NG AMBALA AT AMGL SA PAGGIGIIT AT PAGTATAGUYOD NG KANILANG KARAPATAN SA LUPA

Milan-OFW Kapit Bisig
18 March, 2012

Mga kapatid sa pakikibaka,

Nakakarating sa amin ang inyong buhay at kamatayan pakikibaka para igiit ang inyong karapatan sa lupa. Mula sa unibersal na katotohanan, sadyang kailangan ng tao ang lupa sapagkat dito siya nabubuhay di tulad ng isda na nabubuhay sa tubig o dili kaya ang mga ibon na nakakalipad at malayang nakakadapo sa mga punong kahoy para mabuhay. Kung ito ma’y ikonsulta sa Bibliya, matutunghayan natin na kasama ito sa nilikha para mabuhay ang tao.  Samakatuwid, malinaw na makatarungan lamang at maka-bibliya ang inyong mga ipinaglalaban at layunin di lamang sa ating nakagisnang panahon sa halip, para sa ating mga susunod na henerasyon.

Mula naman sa amin hanay bilang mga migrante, malalim na naiintidihan namin ang inyong mga ipinaglalaban at paninindigan sa katotohanan karamihan sa amin ay galing sa pamilyang magsasaka. Naiintindihan din namin na ang inyong mga pakikibaka diyan sa Hacienda Luisita ay sinasalamin o sinasaklaw ang pambansang pakikibaka sa lupa sa pangkalahatan. At bilang isang organisadong migranteng samahan, kasama ninyo kami  sa inyong panawagan na magkaroon ng tunay na reporma sa agraryo  at mga batayang pambanasang industriyalisasyon sa ating Inang bayan.

Isa sa mga paraan ng inyong pakikibaka ay ang pagtangan ng gulok o itak bilang depensa sa inyong hanay at sa kabilang banda, paggigiit ng inyong mga karapatan. Sa parteng ito, di lamang sinisimbolo nito ang ating mga ninuno gamit ang itak na lumaban sa pananakop ng mga dayuhan sa halip, ito ang konkretong indikasyon nagmumula sa kaibuturan ng inyong mga damdamin na ipaglaban anuman ang nararapat para sa inyo. Dahil dito saludo kami sa inyo at karapat-dapat din maihanay kayo sa mga lehitimong tagapagmana sa kabayanihan ng ating mga ninuno.

Sa panig ng umiiral na naghaharing sistema. Malinaw pa sa sikat ng araw na ang pinapaboran nito ay iilan pamilya sa lipunang Pilipino. Isa na rito ay mismong pamilya ng kasalukuyang pangulo ng bansa kasama na rito ang mga Cojuanco. Siyempre pa huwag na lang natin kalimutan ang kanilang mga alipores. Lahat ng inyong mga lehitimong kahilingan diyan sa Hacienda Luisita, pasismo ng estado o private armies ang kasagutan ni pangulong Pinoy tulad ng naganap noong nakaraan Nob. 2004 at ngayo’y nagbabanta na maulit sa malapit na hinaharap. Ito ang katangian ng umiiral na sistemang lipunang Pilipino bilang mala-kolonyal na nasa dominyon ng mga dayuhan sa pangunguna ng amerikano  at mala-pyudal na kaayusan pang-ekonomiko na kontrolado ng mga panginoong maylupa kasabwat ang malalaking burgesya komprador.

Kabilang kayo sa malawak na masang inaapi bilang uring magsasaka gayun din ang uring manggagawa at kami rin bilang sektor ng manggagawang Pilipino sa ibayong dagat. Kasama rin dito ang sektor ng kababaihan at kabataan, mga pambansang minorya  at mga kapatid na muslim. At sa antas ng pambansang paninindigan, iisa ang ating minimithi; ang magkaroon ng isang malaya, demokratiko, makatarungan at maunlad na lipunang Pilipino.

IBAGSAK ANG PASISMO AT TERORISMO NG ESTADO!

PALAYASIN ANG MILITAR SA LOOB AT LABAS NG HACIENDA LUISITA!

MABUHAY ANG BUHAY AT KAMATAYAN PAKIKIBAKA NG MAGSASAKA AT KANILANG PAMILYA SA HACIENDA LUISITA!

MABUHAY ANG KILUSANG MAGSASAKA SA BANSA!

1 Comment
Im
7/18/2014 12:47:22 pm

Ipagpatuloy ang pagabante mga kasama. Nakikiisa kami, mula sa sektor ng mga mag-aaral sa inyong adhikain. Padayon!

Reply

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    AMGL

    To struggle for Genuine Land Reform in Central Luzon and other regions of the country.

    Archives

    March 2014
    February 2014
    October 2013
    March 2012
    August 2011
    July 2011
    June 2011
    April 2011
    March 2011
    February 2011

    Categories

    All
    Ambala
    Amgl
    Amgl-ne
    Ancestral Domain
    Angara
    Apeco
    Aseza
    Aurora
    Bayambang
    Calen
    California Energy
    Carp
    Carper
    Casiguran
    Cat
    Cojuangco
    Cojuangco Aquino
    Cojuangco-aquino
    Displacement
    Edc
    Energy Development Corporation
    Farmers
    Fisherfolk
    Garb
    Hacienda Dolores
    Hacienda Luisita
    Hacienda Luisita Massacre
    Hahr
    Head
    Human Rights
    Human Rights Violations
    Indigenous People
    Landgrabbing
    Land Reform
    Land Use Conversion
    Migrante
    Militarization
    Noynoy Aquino
    Nueva Ecija
    Pamana
    Pangasinan
    Pantabangan
    Pantabangan Dam
    Pep
    Ppp
    Resist Apeco
    Sdo
    Special Economic Zone
    Ulwu

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.