Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luson (AMGL)
  • Home
  • Statements
  • Campaigns
  • Images
  • Resources
  • About
  • Peasant Struggle in Hacienda Luisita

PAHAYAG NG PAGSUPORTA SA KILUSANG MASA NG KABABAIHAN SA PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN

3/7/2012

0 Comments

 

                                                                                                       PAHAYAG NG
                                                                    PAGSUPORTA SA KILUSANG MASA NG KABABAIHAN
                                                                                SA PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN

Mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) sa kilusang masa ng kababaihan sa pangunguna ng Amihan at Gabriela!

Napatunayan ng mayamang karanasan ng AMGL ng pakikibaka para sa lupa ang mahalagang papel ng kababaihan.  Marami ring pagkakataon na sila ang nasa unahan upang harapin ang mga pasistang pwersa ng mga malalaking panginoong maylupa, burgesya kumprador, dayuhang imperyalista at kontra-mamamayang estado.  Malaki ang kanilang bahagi sa gawaing pagsasaka sa kanayunan at sa pakikibaka para ipagtanggol ito.

Isang halimbawa ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita.  Sa  kasagsagan ng welga noong Nobyembre 2004, mahalaga ang naging papel ng kababaihang magbubukid upang imintina at ipagtanggol ang piketlayn.  May araw din na nagtapatan ang kababaihang magbubukid at ang kababaihang pasistang pwersang PNP noong subukan ng huli na i-disperse ang welga.  Nanaig ang mga kababaihang magbubukid dahil sa kanilang matibay na paninindigan at walang takot na pagharap sa pwersa ng estado.

Nitong Pebrero 20, nang subukan ng mga Cojuangco at RCBC na maglagay ng bakod sa lupang binubungkal sa kasalukuyan sa Brgy. Balete, mismong mga kababaihang manggagawang bukid ang nagtanggal ng bakod na yero at ang mga security guards ay nagtakbuhan sa takot dahil sila ay mga dalang itak at iba pang gamit sa pagsasaka.  Ang mga kalalakihan naman ang nagbuhat ng mga outpost upang wala nang mabasehan ang mga security guards.  Ang mga yerong binuhat ng mga kababaihan ay ngayo’y ginagamit sa kampuhan ng bungkalan.

Sa maraming probinsya, napakaraming kababaihan ang tumatayong lider at aktibistang magbubukid na siyang nagtatanggol sa kanilang karapatan sa lupa.  Tunay na kahanga-hanga ang kababaihang magbubukid dahil sa napakarami nilang inaasikaso, ang pangangalaga sa pamilya, pagsasaka at pakikibaka para sa Tunay na Reporma sa Lupa.  Sa rehiyon, nasa antas din ng paghahandang mabuo ang pangrehiyonal na organisasyon ng Amihan upang tuluy-tuloy na maitambol ang napakaraming isyung nakaapekto sa masang magsasaka.  

Kung kaya, marapat lamang na bigyang pugay ang masang kababaihan dahil sila ay lumilikha ng kasaysayan, nakikibaka para sa ating karapatan at nagsusulong ng pundamental na reporma sa lipunan.  Ang AMGL ay kaisa sa pagpapalaya ng masang kababaihan at ang kababaihan ay kasama sa pagpapalaya ng uring magbubukid!

Mabuhay ang kilusang masa ng kababaihan!
Mabuhay ang Amihan at Gabriela!
Mabuhay ang nakikibakang mamamayan sa rehiyon at sa bansa!
Ipaglaban ang Tunay na Reporma sa Lupa!

0 Comments

Your comment will be posted after it is approved.


Leave a Reply.

    AMGL

    To struggle for Genuine Land Reform in Central Luzon and other regions of the country.

    Archives

    May 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    October 2013
    September 2013
    July 2013
    April 2013
    March 2013
    November 2012
    August 2012
    July 2012
    June 2012
    May 2012
    March 2012
    January 2012
    November 2011
    October 2011
    July 2011
    June 2011
    May 2011
    April 2011
    February 2011
    June 2009

    Categories

    All
    Agrarian Reform
    Agro-tncs
    Ambala
    Amgl
    Amihan
    Anakpawis
    Apeco
    Arc
    Aurora
    Ayta Day
    Calamity
    Carp
    Carper
    Central Luzon
    Claa
    Cloa
    Clt
    Cojuangco Aquino
    Cojuangco-aquino
    Cojuangco Aquinos
    Cojuangco-aquinos
    Dar
    Displacement
    Displacements
    Edc
    Energy Development Corporation
    Ep
    Fisherfolk
    Food Security
    Fort Magsaysay Military Reservation
    Gabriela
    Garb
    Genuine Land Reform
    Gmo
    Golden Rice
    Hacienda Dolores
    Hacienda Luisita
    Human Rights
    Human Rights Violations
    Indigenous Peoples
    Irri
    Joseph Canlas
    Kababaihan
    Kmp
    Landgrabbing
    Land Reform
    Land Use Conversion
    Militarization
    Noynoy Aquino
    Nueva Ecija
    Oil Deregulation Law
    Oil Price Hike
    Oplan Bayanihan
    Oplan Sagip Kanayunan
    Palay
    Pamana
    Pantabangan
    Pantabangan Dam
    Pep
    Philrice
    Ppp
    Rcbc
    Relief
    Republic Act 10083
    Rice
    Sdo
    Typhoon Pedring
    Willem Geertman
    Women's Day

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.